Saturday, July 30, 2011

Paano ka mag-Relax?

haay, ako. gustong gusto ko talaga ang tunog ng aircon o ng elektrik pan na pumapalo-palo pa sa mga pisnge ko.. kasabay noon ang umupo sa malambot ng couch habang paku ya-kuyakoy pako habang nano-nood ng fil.channel namen :) un ang relax saakin.

..Pero sa totoong buhay hinde talaga tau pwedeng msanay nang ganyan lang. ang sinasabe ko dito eh, ung Mag Relax nalang, o yung Komportable ka nalang sa sitwasyon naten.. "yung tipoong "oks, na ako dito wag mo na akong gambalain pa!" type thing.

hmm.. hinde pwede kasi lahat tau may iba't ibang pagsubok na dinaraanan..at higit pa dyaan, ang pagsubok ay may ibat ibang anyo rin. may malaki, may maliit.. may pahaba, pabilog at lahat pa ng higis sa mundo. hehehe.

at hinde porket Kristyano na tau eh life will be easier.
feeling in a "Bed of Roses" but..sorry Roses has thorns...

lahat ata ng mga taohan sa bibliya na nabasa ko eh may kani kanyang mga problema.
iba iba nga lang ang knilang mga paraan kung paano ito napagtagumapayan. Pero ang pinaka mabuting ngayare sa bawat character na nabasa ko eh, lahat sila ay naging matibay, natuto at lalong naging malapit sa Diyos..

oo nga't may mga naging matigas ang ulo katulad nalang ni JOnah..
May mga nagreklamo at napagod katulad nalang ni Elijah,
May naging Matatag sa lahat ng Hamon tulad ni JOb..
may napagkamalng baliw sa pag gawa ng
malahiganteng barko.. na si Noah.
May nainip sa pangako katulad nalang si Sara..
may nakapag sinungaling tulad nlang ni Ysmael.

marami pa sila pero baka abutin pa ako ng bukas pra maubos lang ang mga ibat ibang karakter ng bibliya na aking nabasa.

sila'y ilan sa mga na tao sa bibliya na tlgang dumaan ng pagsubok.
at sa mga yaan, hinde kaba nakaka relate? -- khit manlang isa?
HInde tau pwedeng mag kunwari nalang na akala mo'y ikaw lagi ang nasa TAAS..
at ikaw nang Komportable sa lahat ng panahon dahil-- ito ay isang kasinungalingan.

Lahat tau ay may pinagdaraanan, Dumadaan, at Pag -adaaanan pa.
Mabuti ito dahil alam natin na ang lahat ng bagay ay ngyayare dahil
Alam natin na ang lahat ng mga bagay ay magkakalakip-lakip na gumagawa para sa kabutihan nila na mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ng Diyos ayon sa kaniyang layunin. -Roma 8:28

Sa totoo lang dapat tlaga lagi tayong maging handa sa laaht ng mga pagsubok spagkat ito ay paraan para tayo ay lalong tumibay at lalo nating maunawaan ano ang buhay. At mainam na dapat tayong maging totoo at hinde magkunwari sa mga dinaranas natin;
Pagsikapan mong mabuti na iyong iharap ang iyong sarili na katanggap-tanggap sa Diyos, isang manggagawa na walang dapat ikahiya, na itinuturo ng tama ang salita ng katotohanan. -2 tim 2:15

Wag mong ikumpara sayo na siya'y dumaranas ng pagsubok.. bagkos ikaw ay maging masaya dahil sa paraang yan, Siya ay nagiging matatag at hinuhubog ng Diyos, at ang mganda pa doon makikita niya kung paano nya matatapos ang pagsubok ng kaagapay ang Panginoon. H'wag mo rin ikatuwa na ikaw ay Komportable nalang sa iyong sitwasyon at wla ng pinagdaraanan, dahil kahit ilang beses pa tayong maging Kristyano eh pwede na taung mgaing "couch potato".

Pero mali. Nalala ko tuloy ang proseso kung papano gumawa ng isang purong ginto.
Nalala mo ba kung ano ang mga pinag daraanan ng mga alahas nating suot?!

....hinde ba't silay maka ilang ulit na tinutunaw sa apoy para maging dalisay ang pagka puro nito? at pagktapos pa non.. pinupukpok mina-martilyo ng ilang ulit maging puro lang! hayaang mo sabihin o sayu ito..

"ganon nalang ka mahal ang purong ginto dahil ito ay puro at alam mong totoo!" dahil ang ginto ay dumanas ng ilang ulit sa apoy at matitinding puk-pok ng maso at martilyo.. ma-ikwintas mo lang.. :)

Kaya.. tayo din bilang tao, mabuti ang may pinagdaraanan dahil alam naten na tini-TRIM tayo ng ating Panginoon.Alam ng Diyos na kaya mo at alam din nya na tau ay magtatagumpay. dahil.. it is by faith you stand firm --2 Cor 1:24.
At sa mga oras na may pinagdaraanan tau sya ang naiisip natin para humingi ng tulong, at sa paraang yun nakikita ng Diyos na lalo taung ngiging "close" sa kanya.

kaya ayan lahat tau may Problems 101, kung ikukwento ko pa sainyo aabutin ako dito ng pasko sa haba ng listahan ko, pero hinde ko na dapat pang bilangin isa isa dahil alam kung lahat ng un eh isang magandang paraan para ako ay maging malalim pa sa knya.

dalawang tanong?..
1.mag rerelax nalng ba tayo o,
2.mag pa-patrim pa ng husto kay Lord?

[kung sa buhok pwedeng dalawa, relax muna bago trim! hehee]
time check alas 3 na pala at ang aking bebe girl ay nagising :)
salamat sa iyong pag basa ng aking 'blog'

Blessed is the man who perseveres under trial,
because when he has stood the test,
he will receive the crown of life that
God has promised to those who love him.
james 1:12

No comments:

Post a Comment